Monday, 19 October 2015

T-SHIRT IPINAMIGAY NG POLO-OWWA JEDDAH

Noong Octobre 16, 2015, dumating sa training venue ng FILCOM ang mga Welfare Officers ng OWWA upang mamigay ng libreng T-Shirt sa mga nagsasanay sa libreng kurso sa Basic MsOffice and Windows 8 Operating Interface.

Maliban sa libreng merienda na inihahatid ng mga kinatawan ng POLO-OWWA tuwing Biyernes, ang pamimigay ng libreng T-Shirt ay isa sa mga pagtutupad ng naturang ahensya sa pagtugon ng kanilang pakikibahagi sa libreng pagsasanay na isinasagawa ng FILCOM.

Umabot sa humigit-kumulang apatnapu (40) ang mga nagsasanay sa naturang asignatura at ito ang unang pagkakataon na nakibahagi ang POLO-OWWA sa programa ng FILCOM. Noon pa man ay isinasagawa na ng organisayon ang libreng pagsasanay na ito.

Ang FILCOM ay kasalukuyang nasa panglabing-tatlong (13) pangkat ng pagsasanay. Magsisimula ulit sa Nobyembre 6, 2015 ang panglabing-apat na pangkat ng pagsasanay.